ITS MY BRITHDAY....and usually every birthday ko I really buy cake for my self. Nakasanayan ko na. Parang pamahiin ko na dapat may cake ako kapag birthday. And kahit sino naman. Right?! Kasi I feel that it symbolizes color and sweetness of life..ETCHOZ! (May ganun pa akong nalalaman) hehe! Hindi lang ako, kahit birthday pa ng sister ko, pamangkin, friends and relative basta kasama mo ako sa birthday mo dapat meron ka talagang cake. Hindi naman kailangang bongga at mamahalin. Kahit na simple lang at mumurahin pwede na basta ang importante may pang pa swerte. hehe! Yup...Swerte naman talaga. Kasi I notice na every time I wanna eat cake eh meron akong pambili right away! hahaha...At siguradong may cake ako every birthday....Para siyang pansit na dapat hindi mawawala every Birthday and NewYear kasi pang pahaba ng buhay. Sa akin naman cake para pampa bongga for the whole year..hehehe!...Kakaloka! kung ano-anong pumapasok sa isip ko. But "Its not my fault, It's my brains fault"...hehehe!
Anyway the issue is not about the cake...It's about buying it for my self on my birthday..I am living away from loveones kaya walang mag eeffort na bumili ng cake for me. Kaya I am doing it for my self nalang. Ang dali namang bumili kasi nagkalat naman ang Goldilocks sa buong pilipinas. Kaso nakaka stress pala ang bumili ng cake kapag birthday mo!
Nong birthday ko last year I went to Goldilocks Costal branch in Parañaque.
Me: (Pumili ng standard ready made na Chocolate cake)
Pabili nga nito!
Crew: (After mabayaran)
Sir ano pong note ang ilalagay.Pakisulat nalang po dito sa papel!
Me: (Sinulat "HAPPY BIRTDAY TO ME")
Heto na kuya!
Crew: (Ang lakas ng boses)
Ay! BIRTHDAY MO PALA SIR?!!!!Happy Birthday!!!
Me: (Blussh ang Eksena)
Siyempre kuya wag mo ng ipagsigawan!
Crew: Bakit ikaw ang nagbili ng cake mo sir?
Me: Type ko eh...Sige bilihan moko!
Crew: (Tumawa lang)
At dahil sa lakas ng boses ni kuya narining na ng ibang niyang kasamahan na birthday ko on that day. Nagkataon pang ako palang ang customer on that moment dahil kakabukas palang ng store kaya the attentions are all on me...I got the attentionn talaga ang eksena!!!?.. Well I just "SMILE" and said YES It is my birthday today!...Nakaka touch on that time kasi all of them greet me. Even the guard. It's was really nice to hear greetings them. From people you dont know and they are saying that on your face...Wow! I feel embarassed but emotional. Embarassed kasi aminin na natin nahihiya talaga tayong malaman ng iba na birthday mo!
By the way, bakit nga ba tayo nahihiyang malaman ng iba na birthday natin?!.. Well, that is another story... Baka natatakot na merong magpapalibre tapos wala ka palang pera on your birthday?!..hehehe!..For some maybe yes! but for me, nahihiya akong malaman na birthday ko kasi I dont want to be ask if How old I am....I really hate that question because I dont want them to realize that I am old though pero wala pa akong bonggang achievements. hehehe!... Really!... So please dont ask me that question....I just answer that during job interviews kasi I dont have a choice but to tell the truth and nothing but the truth...hehehe!
Anyway, Last birthday ko, May 27, this year. I went to Goldilocks in Ayala avenue sa baba ng MRT station...Again to buy birthday cake for my self...
Me: ( Pumili ng standard ready made cake Cheese, Ube flavor)
Miss ito sa akin!
Crew: (After mabayaran sabay abot ng papel) Sir pakisulat nalang po ng note!
Me: (Siyempre naalala ko yong eksena lastyears birthday ko na bumili ako ng cake na nilagyan ko ng "HAPPY BIRTHDAY TO ME"... so hindi ko na inulit. I proudly put my name on it "HAPPY BIRTHDAY VENZ" Bongga!..Sabagay hindi naman nila alam na ako si Venz! idedeny ko kapag itatanong nila!...hehe! I thought lusot nako)
Crew: Sir ilang taon na po ba si Venz?
Me: Why?
Crew: Para po sa kandila!
Me: (What the Fuck!) Uhmmm! 18 years old na siya!
Crew: (Naghanap ng kandila ng hugis 18 wala siyang kamalay-malay na ako pala si Venz!)
Me: (Shit! Baka lagyan niya ng kandila na hugis 18. Napaka unrealistic naman ng cake ko kapag nilagyan ng kandila na hugis 18 eh hindi naman talaga ako 18 years old!) Aah! Miss wag mo ng lagyan ng kandila na 18. Isang kandila lang pwede na! Basta makapagblow lang...(Paak! Lusot)
Crew: Ok sir! Babae po ba si Venz or lalaki?!
Me: (Bakit may ganun pa!?) Lalaki...Bakit?
Crew: Sa color po ng kandila PINK ba or BLUE?
Me: (Sarcastic) Meron ba kayong BLACK?! hehehe!
Crew: Wala eh!
Me: LAVANDER! (My favorite color)
Crew: (Naghanap) Wala rin po!
Me: Sige BLUE nalang!
Speaking of colors, I dont understand why until now people still thinking that BLUE is for boys and PINK is for girls..Kapag lalaki kailangan ba talagang BLUE and PINK kapag babae?!..Again it's another story... But in my opinion it's really nice and cute for a guy to have pink as their color and it's elegant for girls to have Blue as their color for dress! I promise.... But what about for gays?!...Well, rainbow color is always be the best! hahahaha!
AT THE END OF THE DAY...
My Birthday is always ordinary. Very quiet and simple. This year May 27, 2011 parang wala lang! Wake up in the morning, go to work, Celebration at the office. (Birthday Blowout for all who are MAY Month birthday). I bought my favorite Strawberry Frafuccino from Starbucks, Eat, Watch movie w/ a friend. (In the name of love) Aga Muchlac and Angel Locsin, very nice Movie...Buy and blow cake..then Pray and sleep...
That's it!... But no matter what, I always feel that I am special on my Birthday...